Hello World! Hello Mga Kapuwa Kong Tutubi!

Posted on September 6, 2009

0


generic_red_mushroom (ganoderma_lucidum)Dahil sa hangarin na mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang pamilya, lumayo tayo sa kanila. Bagama’t ito ay mahirap labanan sinikap nating pansamantalang iwaksi ito sa ating mga puso at isipan ang pangungulila sa kanila. At tayo’y tuluyang naglayag sa ibayong-dagat upang doo’y tutuparin ang ating mga pangarap.

Nang iwanan natin ang Pinas at pamilya ang tanging baon natin ay lakas ng loob para harapin ang anumang mangyayari sa bansang daratnan. At likas sa ating mga Pinoy na hindi basta sumusuko. Tayo ay adbinturista at marunong dumiskarte. Tayo’y lumalaban sa anumang dagok ng buhay na ating sinusuong saan mang lupalop ng mundo tayo’y nandodoon.

Pero hindi lahat ang naga-abroad ay kasaganaan sa buhay ang nararanasan. Ang iba sa atin ay halos isumpa at nangagsisi kung bakit lumabas pa ng bansa – dahil hindi sapat ang sinasahod para sa buwanang gastos ng pamilya at sarili. Ang iba sa atin ay tumatanggap ng sahod pagkatapos ng tatlong buwan (ATM).

Nguni’t sa kabila nito tayo ay naririto parin kahit inaabuso na ng ating mga pinaglilingkurang amo. Hindi pa rin natin makuhang magreklamo at ipaglaban ang ating mga karapatan dahil sa takot na tayo ay mawalan ng trabaho, lalu na sa tuwing sasagi sa isipan natin ang mga utang na hindi pa natin nababayaran na pinambayad sa placement fee.

Nguni’t papaano kung tayo ay nanghina dahil dinapuan tayo ng karamdaman at tayo ay natanggal sa trabaho? Gaano tayo kahanda nito? Papaano pa natin tutuparin ang ating mga pangarap para sa ating mga minamahal sa buhay?

Ano ang dapat natin gawin, Kabayan?

Posted in: Blog